BIFF Sub Commander sumuko sa 7th IB

Isang aktibong sub -commander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF)- Karialan Faction ang sumuko sa militar partikular sa Alpha company ng 7th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Dala nito sa kanyang pagsuko ang homemade cal.50 “sniper” rifle o mas kilala sa tawag na “barret” at home made 40mm grenade launcher.
Kasalukuyang nasa custody na ng military ang sumukong BIFF.
Kahapon, iniharap rin sa pamunuan ng 6th ID ang 14 na BIFF na naunang sumuko sa 33rd IB.
Kabilang sa prinesenta ang kanilang mga armas.
Kaugnay nito agad namang pinabulaanan ni Abu Jehad, spokesman ni Kagui Karialan Faction ng BIFF ang napabalitang pagsuko ng kanilang mga myembro.
Wala anila sa kanilang prinsipyo ang pagsuko sa military .
Samantala mariin namang iginigiit ng military na bukas pa rin ang kanilang pinto para sa mga naghahangad na magbalik loob sa pamahalaan na mga armado.

Facebook Comments