Big Bingo Blackout, hindi kabilang sa Authorized Games ng PCSO

Nilinaw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na hindi kasama sa kanilang Authorized Games ang Big Bingo Blackout (BBB) ng Racho Enterprise.

Sa statement ng PCSO, ang mga Authorized Games nila ang mga sumusunod:

  • Ultra Lotto 6/58
  • Grand Lotto 6/55
  • Super Lotto 6/49
  • Mega Lotto 6/45
  • Lotto 6/42
  • Small Town Lottery (stl)
  • Keno
  • Sweepstakes
  • Six Digit
  • Four Digit
  • Suetres Lotto
  • Ez 2 Lotto

Hinimok ng PCSO ang publiko na isumbong ang anumang ilegla na laro sa kanilang lugar sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa kanilang PCSO Official Facebook Page o sumadya sa kanilang tanggapan sa Mandaluyong City.

Sa ngayon, ang Lotto Operations pa lamang ang pinapayagan habang suspendido ang iba pang Games ng PCSO.

Facebook Comments