Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) upang matukoy ang iba pang nasa likod ng nakumpiskang higit ₱600 million na halaga ng iligal na droga sa Zamboanga City nitong Linggo.

Ayon kay acting PNP chief PLt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., inaalam na ang iba pang kasabwat ng tatlong nahuling suspek at “big fish” na nasa likod ng operasyon.

Tiniyak ni Nartatez na tuloy-tuloy ang pagpapaigting ng Pambansang pulisya sa kampanya kontra-droga gamit ang enhanced managing police operations.

Rerepasuhin din nila ang operational plan upang mas mapabuti ang pagpapatupad ng lahat ng uri ng operasyon ng pulisya.

Facebook Comments