Manila, Philippines – Nagpahayag na ng kahandaan ang Department of Social Welfare and Development para tumulong at rumesponde sa oras na mangyari ang the ‘Big One’ o ang malakas na lindol na tatama sa bansa
Ito ang ipinahayag ni DSWD Secretary Virginia Orogo kasabay ng inilunsad na 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake kahapon.
Bilang Vice-Chairperson ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, hinikayat ni Sec. Orogo ang publiko na makipagtulungan sa pamahalaan at maghanda sa anumang kalamidad tulad ng lindol.
Aniya, ang pagiging handa, pagtutulungan, at pagkakaisa ay napakahalaga sa oras ng kagipitan sa panahon ng mga sakuna .
Dagdag pa ng kalihim na sa oras ng sakuna, walang mayaman, walang mahirap at lahat ay kailangang magtulungan .
Ang National Simultaneous Earthquake Drill ay ginagawa kada quarter ng taon upang madagdagan ang kaalaman at maimpormahan ang publiko hinggil sa earthquake preparedness at isulong ang inter-agency cooperation at unity para sa disaster preparedness.