Big Time Drug Lord Ng Eastern Visayas Na Si Kerwin Espinosa, Posibleng Maiuwi Sa Bansa Sa Loob Ng Labing Apat Na Araw

7

Inihayag ngayon ni Philippine Ambassador to the UAE Contancio Vingno Jr. Na posibleng makauwi na sa bansa ang itinuturing na drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa.Ayon kay Vingno – inaayos na lang ng Interpol ang magiging proseso kung papaano ang gagawing pag turn-over kay Espinosa sa mga opisyal ng Pilipinas.Pagtataya ng opisyal, posibleng sa loob ng labing apat na araw (14) ay nasa Pilipinas na si Kerwin.Sinabi ni Vingno na hindi nila napag-usapan ang kasong kakaharapin pag-uwi dito, subalit kanyang tiniyak ni Espinosa na sasabihin ang lahat ng kanyang nalalaman hinggil sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.Nabatid na sa NAIA sumakay ng eroplano si Espinosa patungo sa Malaysia.Mula sa Malaysia ay ilang araw pang nanatili sa Bangkok, Thailand si Espinosa, bago magtungo sa Hong Kong at sa United Arab Emirates.

Facebook Comments