Patay ang isang hinihinalang bigtime pusher sa isan apartelle sa Alabang, Muntinlupa matapos manlaban sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Ayon kay PDEA Director Derrick Carreon, isang buy bust operation ang kinasa ng PDEA laban sa suspek na si Edwin Cabezudo.
Matapos makabili ng kalahating kilo ng shabu ang agent ng PDEA na nagkakahalaga ng 3.4 Milyon piso, dito na nila dinampot si Cabezudo.
Habang ibinabiyahe si Cabezudo sa C5 highway papunta sa national headquarters ng PDEA sa QC, tinangka bumunot ng granada na tinago sa pundilyo ng kaniyang pantalon dahilan para paputakan siya ng mga PDEA agent.
Naisugod pa sa ospital si Cabezudo pero dineklara na itong dead on arrival.
Facebook Comments