Big time drug pusher, patay matapos manlaban sa mga PDEA agents sa Muntinlupa City

Patay ang isang  hinihinalang bigtime pusher sa isan apartelle sa Alabang, Muntinlupa matapos manlaban sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement  Agency.

Ayon kay PDEA Director Derrick Carreon, isang buy bust operation ang kinasa ng PDEA  laban sa suspek na si Edwin Cabezudo.

Matapos makabili ng kalahating kilo ng shabu ang agent ng PDEA na nagkakahalaga ng 3.4 Milyon piso, dito na nila dinampot si Cabezudo.


Habang ibinabiyahe  si Cabezudo sa C5 highway  papunta sa national headquarters ng PDEA sa QC, tinangka bumunot ng granada na tinago sa pundilyo ng kaniyang pantalon dahilan para  paputakan  siya ng mga PDEA agent.

Naisugod pa sa ospital si Cabezudo pero dineklara na itong dead on arrival.

Facebook Comments