Big time na drug pusher, arestado; 100 milyon na halaga ng shabu nakumpiska

Umaabot sa P115 milyon pisong halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska mula sa isang big time na Pilinong umano’y tulak ng iligal na droga, makaraang maaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa isinagawang buy bust operation sa BF Resort, Brgy. Talon Dos, Las Piñas City.

Kinilala ang suspek na si Moises Joshua Esguerra, 23-anyos.

Nakumpiska sa suspek ang 18 kilo ng pinaghihinalaang shabu, pera at iba pang drug paraphernalias.


Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa suspek.

Facebook Comments