Big time oil price hike, asahan na sa susunod na linggo

Bad news, mga motorista!

Asahan na ang big time oil price hike sa susunod na linggo.

Batay sa Department of Energy (DOE), P6 hanggang P6.20 ang inaasahang dagdag sa kada litro ng Diesel.


P1.20 hanggang P1.40 naman kada litro ang dagdag sa gasolina habang nasa P3.50 hanggang P3.70 kad litro sa kerosene.

Paliwanag ng DOE, ang big time oil price hike ay bunsod ng desisyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na bawasan ng dalawang milyong bariles ang kada araw sa oil production na magsisimule sa Nobyembre.

Facebook Comments