Manila, Philippines – Malaki ang itataas ng presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Aabot kasi sa 1.40 hanggang P1.75 kada litro ang madadagdag sa presyo ng gasolina habang P1.40 hanggang P1.50 naman ang itataas na presyo sa diesel.
Madadagdagan naman ng P1.30 hanggang P1.40 kada litro ang presyo ng kerosene at gaas.
Mahigit sa P5.40 kasi ang itinaas sa presyo ng kada litro ng gasolina, P4.44 naman sa presyo ng kada litro ng diesel habang P3.17 naman ang kada litro ng gaas mula nang mag umpisa ang taong 2019.
Samantala, simula sa araw ng Biyernes Marso 1, ay nakaamba na ring magtaas ng presyo ang liquified petroleum gas (LPG) sa halagang P1 hanggang P2 kada kilo nito.
Habang posible namang umabot sa P11 hanggang P22 ang itataas ng presyo sa kada tangke ng cooking gas.