Manila, Philippines – Big time price hike ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang sasalubong sa publiko ngayong unang araw ng Oktubre.
Halos limang piso kada kilo ang dagdag sa presyo ng LPG sa world market o katumbas ng 44 pesos sa kada tangke.
Ayon kay LPGMA Rep. Arnel Ty, may kinalaman sa dalawang magkasunod na hurricane sa Amerika ang pagsipa ng presyo ng LPG.
Agosto lang nang huling magtaas ng mahigit limang piso kada kilo ang LPG.
Samantala, nagbabadya ring magtaas muli ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.
Nasa P0.30 hanggang P0.40 kada litro ang inaasahang taas-presyo sa Diesel, P0.20 hanggang P0.30 sa gasolina at P0.50 hanggang P0.60 sa kerosene.
Facebook Comments