Kasado na ang panibagong dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo.
Batay sa final estimates ng mga kumpanya ng langis, magkakaroon ng big-time rollback sa presyo ng gasolina na maglalaro sa ₱2.00 hanggang ₱2.30 kada litro.
Habang maglalaro sa ₱0.40 hanggang ₱0.60 ang bawas sa kada litro ng kersene.
Bad news naman dahil magkakaroon ng kakarampot na dagdag sa presyo ng diesel na maglalaro sa ₱0.20 hanggang ₱0.40 kada litro.
Ilalabas ang official price adjustment bukas, October 2 at epektibo rin kaagad sa Martes, October 3.
Facebook Comments