BIGAS | Department of Agriculture, planong magsagawa ng open auction sa rice imports

Manila, Philippines – Magsasagawa ng open auction ang Department of Agriculture (DA) para sa mga inangkat na bigas.

Ayon kay outgoing Agriculture Undersecretary at incoming Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ang open auction ay gagawin nila kasama ang Bureau of Treasury (BTr) at tatalakayin sa konseho ng National Food Authority (NFA).
Bukod sa open auction, iminumungkahi ni Puyat ang pagkakaroon ng collaborative decision para sa pag-iisyu ng import permits sa mga traders para matiyak ang transparent transactions.

Inatasan na rin ng DA ang NFA council na suriin at aprubahan ang mga karapat-dapat na requirements ng mga bidder.


Nabatid na si Puyat ang piniling chairperson ng NFA council mula nang ibinalik sa DA ang pamamahala sa NFA.

Facebook Comments