Bigas na donasyon ng Japan sa mga biktima ng Bagyong Odette, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang 300 metriko toneladang bigas na donasyon ng Japan sa mga biktima ng Bagyong Odette.

Ayon sa Japan Embassy to the Philippines, ang 300 metric tons na Japanese rice ay bahagi ng tulong nila sa mga nasalanta ng bagyo at ito ay sa ilalim ng ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve o APTERR.

Ang APTERR ay isang regional cooperation na nailunsad nung 2012 na naglalayong palakasin ang seguridad sa pagkain, labanan ang malnutrisyon at paangatin ang pamumuhay ng mga mahihirap na mamamayan ng mga bansang kasapi nito.


Personal na sinaksihan ni Japan Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko ang pag-inspeksyon sa National Food Authority (NFA) warehouse.

Tiniyak naman ni NFA Administrator Judy Carol Dansol na agad nilang ipapamahagi ang Japanese rice sa mga sinalanta ng bagyo sa Visayas at Mindanao.

Facebook Comments