BIGAS NA NASA 40 PESOS PABABA, PATULOY NA NAGKAKAROON NG SUPLAY SA DAGUPAN CITY

Patuloy na nagkakaroon ng pagbaba sa presyo ng kada kilo ng bigas sa mga pamilihan sa Dagupan City.

Sa Malimgas Public Market, mayroo nang mabibiling 34 pesos na kada kilo ng bigas o tinatawag na broken rice habang sinusundan ito ng nasa 35-37 pesos para sa regular milled na uri ng bigas.

Ani ng ilang rice retailer sa naturang pamilihan, marami umanog suplay ng naturang bigas at mas mabenta umano ang regular milled o nasa 35-40 pesos na kada kilo ng bigas.

Tinitiyak naman nila na maganda ang kalidad ng mga nabanggit na bigas kahit pa nasa mababang presyo ito. Mas marami rin umano silang kinukuhang suplay ng lokal na bigas kaysa sa imported upang patuloy na suportahan ang mga magsasaka ng palay.

Sa ngayon, malakas ang bentahan ng mga murang bigas at umaasang patuloy pang bababa ang presyuhan nito sa merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments