Ininspeksyon ng lokal na pamahalaan ang mga biniling bigas na ipapamahagi sa mga apektadong residente bunsod ng Bagyong Uwan.
Kabilang sa mga mabibigyan ang mga residenteng may partially at totally damaged houses, mga nakalista sa Community-Based Monitoring System, at mga kwalipikadong residente na nasa consolidated report mula sa mga barangay.
Kinilala ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa maagap na pagsasaayos ng mga dokumento upang agad makabili ng bigas para sa relief operations.
Isa ang Asingan sa mga bayan sa Eastern Pangasinan na nagtamo ng malawakang pinsala mula sa mga nasirang kabahayan at kawalan ng kuryente dahil sa Bagyong Uwan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









