Bigasan bayan sa Pasig Mega Market – sarado

Pasig City – Sarado muna ngayong araw ang bigasang bayan sa Pasig Mega Market dahil wala ng maibentang NFA rice.

Ayon sa ilang tindero, 100 sako lang ang alokasyon sa kanila ng NFA rice kada linggo at ito ay naubos agad kahapon.

Alas 7 ng umaga sila nagbukas at sa sobrang dami ng pumila para makabili ng bigas umabot lamang ng 4 na oras ay naubos na agad ang 100 sako ng bigas.


May commercial rice naman na tig 35 pesos per kilo na tinitinda sa Pasig Mega Market pero hindi ito tinatangkilik ng tao.

Ayon kay mang Jun, hindi maganda ang kalidad nito kaya at mga may alagang aso ang kalimitang bumibili nito para sa alaga ipakain.

May ilan namang aniya na nagtyatyaga sa 35 pesos per kilo pero yung tig 40 per kilo talaga ang mabenta sa masa.

Samantala bukas o sa Huwebes pa muling magkaka-supply ang bigasan ng bayan sa Pasig Mega Market.

Facebook Comments