Cauayan City – Tagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng Bigasan Negosyo Package sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) para sa 10 Person with Disability na siyang benepisyaryo mula bayan ng Divilacan, Isabela.
Ang proyektong ito ay natupad sa pamamagitan ng pagsisikap ni Mayor Venturito C. Bulan, kasama ang suporta ng kanyang Cooperative Development Specialist na si Jeuersphearl Del Rosario Gonzales, katuwang ang mga miyembro ng Philippine Eagles Organization.
Ang MCPP Eagles Club-Divilacan/Maconacon ay nagpaabot rin ng mga regalo para sa mga benepisyaryo at tumulong sa paghahatid ng bigas direkta sa kanilang mga tahanan.
Lubos naman na nagpapasalamat ang LGU at ang mga benepisyaryo sa DOLE para sa napakagandang pagkakataon na ito, gayundin sa lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang programang ito.