
Kumpyansa si Senate President pro-tempore Panfilo Lacson na mas mahihirapan na ngayon ang bigayan ng suhol matapos itakda ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang cash withdrawal sa ₱500,000 bawat araw.
Ang paghihigpit na ito ng BSP ay kasunod ng mga napabalitang milyong-milyong suhulan sa mga maanomalyang proyekto ng flood control na kinasangkutan ng ilang mga nasa gobyerno.
Pinuri ni Lacson ang naging hakbang ng BSP at para sa senador, magiging mahirap ito sa mga nagbibigay at tumatanggap ng suhol.
Samantala, tinukoy din ni Lacson na walang ibang dapat na sisihin sa maanomalyang ghost at substandard na flood control projects kundi ang mga senador at kongresista.
Giit ni Lacson, ang mga mambabatas ang nagtanim ng punla na naging sanhi ng pangaabuso sa budget insertions na nakapaloob sa pambansang pondo.









