Bigkis Lahi Battallion binuo, Terorismo tutuldukan!

Isang batalyon ang binuo sa ilalim ng 6th Infantry Division na ang pangunahing mandato ay puksain ang mga naghahasik ng terorismo sa Central Mindanao.

Sinasabing binubuo ito ng 500 na mga makikisig,matatapang at magagaling na mga kasundaluhan at pangungunahan ni Lt. Col. Gerry Besana na sya ring Commander ng 6th Civil -Military Operations Battallion.
Ang pagbuo 90th IB “Bigkis Lahi Battallion ” ay naglalayun rin na maisigurong hindi mangyayari sa AOR ng 6th ID ang nangyaring krisis sa Marawi City, matuldukan ang ginagawang pambubulabog ng mga armadong grupo na kinabibilangan ng BIFF at NPA at tumulong sa kampanya kontra illegal drugs.
Malaki naman ang kumpyansa ni 6th ID Commanding General MGen Arnel Dela Vega na magiging malaking tulong sa komunidad ang 90th IB lalo na sa paglaban sa violent extremism.

Facebook Comments