Dinepensahan ng Malacañang ang biglaang pagdedeklara ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region at apat pang karatig lalawigan.
Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay bilang tugon sa seryosong banta na dala ng COVID-19 lalo na’t patuloy ang pagtaas ng kaso nito sa nakalipas na linggo.
Aniya, bagama’t hindi nabigo ang pamahalaan sa pagtugon sa pandemic ay nakakabahala na ang higit 9,000 naitatalang bagong kaso at ang mga bagong variant ng virus.
Bukod dito, layon din aniya ng ECQ na mabigyan ng timeout ang ating healthcare workers kahit sa loob lamang nang isang linggo.
Sa pamamagitan aniya ng ECQ ay inaasahang mababawasan ang mga kaso lalo na’t mas marami ang mananatili sa loob ng kanilang mga bahay.
Facebook Comments