Biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19, maituturing lamang na “artificial rise,” ayon sa DOH

Ipinaliwanag ng Department of Health (DOH) ang biglang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) nitong mga nakaraang araw.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maituturing lamang itong “artificial rise” sa kaso ng COVID-19 dahil kasama na rito ang resulta ng swab test ng mga umuwing Overseas Filipino Worker (OFW).

Pero, hindi aniya ito nangangahulugan na lahat ng masabing bilang ng bagong kaso ay resulta ng mga test ng OFWs.


Karamihan pa rin aniya sa naitalang kaso ay mula sa National Capital Region (NCR).

Sabi pa ni Vergeire, aasahan pa ang paglobo ng kaso o artificial rise sa mga susunod na araw dahil  sa mga madaragdag pang test results ng OFWs na uuwi ng bansa.

Gayunman, hindi aniya ito makakaapekto sa kasalukuyang pag-flatten ng COVID-19 epidemic curve dahil ang case doubling time at numero ng kaso ang dapat pa ring pagbasehan.

Facebook Comments