Biglaang pagtaas ng presyo ng isda, isinisi sa mga middleman

Manila, Philippines – Isinisi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga middleman ang biglaang pagtaas sa presyo ng mga produktong isda.

Sabi ni BFAR National Director Eduardo Gongona, nakakapagtaka na biglang tumaas ang presyo ng mga isda gayung sapat naman ang suplay nito.

Sa katunayan aniya, bulto-bultong imported na galunggong ang in-import ng Pilipinas bago matapos ang 2018.


Batay sa monitoring ng BFAR, lumalabas na malaki ang deperensya sa presyo ng galunggong mula sa bagsakan nito sa Navotas kumpara sa ilang malalaking palengke.

Nabatid kasi na may ibang nagtitinda na aabot sa 200 hanggang 250 kada kilo ng galunggong gayung 140 pesos per kilo lang dapat ang bentahan sa mga ito.

Pareho rin aniya ang estado ng ibang produktong isda.

Facebook Comments