Biglang paghinto ng SHS program sa mga pampublikong kolehiyo at unibersidad, binatikos ng isang kongresista

Nakatikim ng matinding batikos mula kay Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel ang Department of Education o DepEd at Commission on Higher Education o CHED.

Kaugnay ito sa biglang paghinto ng Senior High School o SHS program sa State University and Colleges at Local Universities and Colleges.

Dismayado si Manuel na tila nabiktima ng prank ang 18,000 estudyante na hinayaan lang umano ng DepEd at CHED na mag-enroll sa senior high school ng SUCs at LUCs tapos biglang ipapatigil ang programa at papalipatin sa ibang school bago maka-graduate.


Bilang graduate ng high school program ng isang SUC, nakikisimpatya si Manuel sa mga estudyante, pamilya at paaralang maaapektuhan.

Giit ni Representative Manuel, dapat gobyerno ang nagtitiyak ng patuloy na pagkatuto ng mga estudyante sa halip na maging bara ito sa edukasyon ng libu-libong kabataan.

Facebook Comments