Biglang Tumawid sa Kalsada, Menor de Edad, Nabanggaan

28july2017-metro naga – Isang menor de edad ang nabangga ng sasakyan sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur. Ayon sa record ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas 8 ng umaga sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Bahay, Libmanan. Isang Grade 6 pupil ang biktima na kinilalang si John Jocel Clapis y Nepas. Ayon sa imbistigasyon, bigla umanong tumawid sa kalsada ang estudyante kung kaya nahagip ng tumatakbong Hyundai Van na may Plate Number 024404 na may byaheng San Isidro-Bahay, Libmanan.

Sa pagresponde ng Libmanan Police, kinilala ang driver na isang Peter Ormilla y Luda, 45, isang geodetic engineer na nakatira sa katabing bayan ng Pamplona, Camarines Sur. Hindi naman napuruhan ang biktima na kapwa dinala sa Libmanan District Hospital kasama ang driver ng Van dahil sa tinamong sugat at pasa sa kanilang katawan.
Patuloy din ang panawagan ng Libmanan Police sa mga drivers na mag-ingat sa pagmamaneho at manatiling laging alerto para maiwasan ang mga road accidents sa lugar. Pinaalalahanan din ang publiko, lalung-lalo na ang mga estudyante na tingnan muna ng maigi -kaliwa-kanan- ang kalsada at tiyaking walang humahagibis na sasakyan bago tumawid.
-mannybasa, rmndwnx1611 baretasapagkaudto

Facebook Comments