BIGO |Azkals, talo sa Timor Leste sa Chinese Taipei Football Association International Tournament

39

Sports – Natalo ang Philippine Azkals sa Timor Leste sa score na 1-0 sa ginanap na Chinese Taipei Football Association (CTFA) International Tournament.
Ito na ang pangalawang pagkatalo ng Azkals na unang nabigo sa host team na Chinese-Taipei sa score na 3-0.
Naging maganda ang simula ng Azkals sa nasabing tournament ng talunin nila ang Laos sa score na 3-1.
Ang CTFA International Tournament ay isang four-nation competition na ginanap sa municipal stadium sa Taipei.

Facebook Comments