BIGO | Desisyon ng SEC laban sa Rappler, kinatigan ng CA

Manila, Philippines – Nabigo ang social news website na Rappler na makumbinse ang Court of Appeals (CA) na baliktarin ang ruling ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Partikular ang pagbawi sa registration ng Rappler dahil sa paglabag sa constitutional requirement na ang mass media ay dapat 100-percent na pag-aari ng Pilipino.

Lumabas kasi sa imbestigasyon ng SEC na ang Rappler ay pag-aari ng dayuhang kumpanya na Omidyar.


Hindi rin pinaniwalaan ng Court of Appeals (CA) ang akusasyon ng Rappler na sila ay pinagkaitan ng due process ng SEC nang maglabas ng ruling sa usapin ng ownership.

Una nang hiniling sa Securities and Exchange Commission (SEC) ni Solicitor General Jose Calida na imbestigahan ang isyu ng ownership ng Rappler.

Facebook Comments