BIGO | KZ Tandingan, bigong makapasok sa wildcard ng Chinese competition na ‘Singer 2018’

Manila, Philippines – Bigong makalusot ng ‘break out’ round ng Chinese reality competition na singer 2018 ang Pinay soul singer na si KZ Tandingan.

Ibinida ni KZ ang mandarin version ng OPM hit ni Freddie Aguilar na ‘anak’.

Bagamat hindi nakapasok sa wildcard round at top 4 slots si KZ ay inulan pa rin siya ng papuri mula sa kanyang mga fans.


Ayon kay KZ, hindi man niya nauwi ang panalo, hindi naman mapapalitan ang kanyang experience at iniwang koneksyon sa mga Chinese viewers.

Gaganapin sa April 13 ang finals ng kompetisyon.

Facebook Comments