BIGO | Milan "El Metodico" Melindo, talo sa laban nito kontra kay Ryoichi Taguch

Tokyo, Japan – Bigong maipanalo ng ating kababayan na si Milan “El Metodico” Melindo ang Junior World Flyweight title matapos siyang talunin ng Japanese boxer na si Ryoichi Taguchi na ginanap sa Ota City General Gymnasium Tokyo, Japan kagabi.

Natalo si Melido via anonimous decision sa mga hurado.

Sa huling round ng laban, kitang parehong duguan ang dalawang boksingero.


Ginamit ni Taguchi ang kanyang tangkad at bilis sa pagsuntok kaya naman nakuha niya ang panalo sa score na 116-112 mula sa huradong si Gustavo Jarquin ng Nicaragua, 117-111 kay judge Francis Jackson ng U.S, at 117-111 kay Ignacio Robles ng panama.

Samantala, ito na ang ikatlong talo ni Melindo na may rekord na 37 wins at 13 knock out.

Facebook Comments