Manila, Philippines – Hiningi ni Senador Bam Aquino ang pagbibitiw ni National Food Authority o NFA Administrator Jason Aquino at iba pang matataas na opisyal ng ahensiya.
Ayon kay Aquino, ito ay kasunod ng kanila umanong kabiguan na tiyakin ang seguridad ng pagkain ng taumbayan, lalo na ng mga mahihirap.
Dismayado si Aquino matapos lukabas sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture na tatagal na lang ng 1.7 days ang kasalukuyang buffer stock ng NFA Rice at sa Hunyo na ulit ito magiging available sa merkado.
Diin ni Aquino, humantong sa ganito ang sitwasyn ng NFA Rice dahil nabigo ang NFA na mapanatili ang mandated 15-day buffer stock.
Giit ni Aquino, tatlong pang buwan pang magdurusa ang ating mga kababayan sa bigas na kuwarenta pesos pataas ang halaga dahil hindi nagawa ng NFA ang trabaho nito.