BIGO | Pangulong Duterte, hindi na nagtakda ng deadline sa pagpasok ng ikatlong telecom player sa bansa

Manila, Philippines – Inalis na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deadline para sa pagpasok ng third player ng telecommunications company sa bansa.

Ito ay matapos mabigo ang Department of Information Communications Technology (DICT) na makamit ang naunang deadline na dapat ay ‘up and running’ na ang third telco player sa unang quarter ng 2018.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tanggap na ng Pangulo ang kabiguan ng DICT.


Bagamat bigo ang DICT, nagkaroon naman aniya ng hakbang magkaroon ng proseso sa pagpasok ng third telco player.

Una nang sinabi ng Pangulo na gusto niya ang China na maging third telco player para mabuwag ang duopoly ng globe at smart sa bansa na hindi maayos na nagbibigay ng serbisyo ng telekomunikasyon at internet.

Facebook Comments