BIGO | Sec. Diokno, pinasisibak ng Kamara

Manila, Philippines – Bago mag-adjourn kagabi pinaburan ng Kamara ang resolusyon ni House Minority Leader Danilo Suarez hinggil sa panawagan nito kay Pangulong Rodrigo Duterte na pag-isipan ang appointment kay Budget Secretary Benjamin Diokno.

Sa ilalim ng House Resolution 2356, ipinarerekonsidera ni Suarez ang pagkakatalaga ni Diokno kasunod ng hindi pa rin nareresolbang isyu ng budget insertions sa pondo ng DPWH para sa 2019.

Bigo umano ang kalihim na ipaliwanag kung bakit nasolo ng iisang kompanya ang bilyon-bilyong halaga ng mga proyekto ng gobyerno sa Sorsogon.


Nagkaroon din daw ng duda sa integridad ni Diokno at paggamit ng kanyang posisyon para paburan ang interes ng kanyang pamilya kaysa interes ng publiko.

Samantala, nauna nang sinabi ng Malacañang na hindi nito papayagan na magamit ang 2019 budget para paburan ang ilang distrito sa bansa.

Ipapaubaya nito sa mga mambabatas ang pagsusuri at pagrerepaso sa budget.

Nananatili rin daw ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Diokno na inilarawan bilang ‘man of integrity’.

Facebook Comments