BIGO | Sen. De Lima, dumulog sa Court of Appeals

Manila, Philippines – Dumulog sa Court of Appeals si detained Senadora Leila de Lima kaugnay ng kanyang drug case.

Ito ay matapos na ibasura ni Muntinlupa RTC Branch 206 Judge Lorna Navarro Domingo ang kanyang kahilingan na ma-disqualify sa pagtestigo laban sa kanya ng 13 convicted state witnesses.

Ayon sa senadora, malinaw na nagkaroon ng pag-abuso si Judge Domingo nang i-deny nito ang kanyang kahilingan.


Hiniling ni De Lima sa Appellate Court na magpalabas ng temporary restraining order para mapigilan ang pagtestigo laban sa kanya ng nasabing convicts.

Kabilang dito sina Peter Co, Herbert Colangco, German Agojo, Nonito Arile, Jojo Baligad, Joel Capones, Engelberto Durano Rodolfo Magleo, Noel Martinez, Jaime Patcho, Vicente Sy, Hans Anton Tan at Froilan Trestiza.

Iginiit ng kampo ni De Lima na mismong ang Korte Suprema na rin ang nagsabi noon na ang pagtetestigo ng convicted criminals na may kasong may kaugnayan sa moral turpitude ay labag sa rules ng hukuman.

Facebook Comments