Manila, Philippines – Sa tingin ni Senator Juan Miguel Zubiri, bigo ang mga nagsusulong ng Charter Change o Cha-Cha na maibigay sa publiko ang sapat na impormasyon kaugnay sa planong pagpapalit sa porma ng gobyerno patungong Federalism.
Pahayag ito ni Zubiri kasunod ng Pulse Asia survey na nagsasabing 64% ng mga Pilipino ay kontra sa Chacha habang 66% naman ay kontra sa Federalism.
Diin ni Zubiri, ngayon ay dapat paigtingin pa ng mga nagsusulong Cha-Cha ang propaganda kaugnay sa kabutihang idudulot ng Federal system.
Ayon kay Zubiri, pangunahing dapat tutukan ay ang takot ng taongbayan kaugnay sa idudulot ng planong mga pagbabago sa saligang batas.
Naniniwala din si Zubiri na makakatulong kung ang mga amyendang ilalapat sa konstitusyon ay magbibigay ng mas malaking otonomiya sa Local Government Units (LGU) sa aspetong pampulitika at pananalapi.