Bigtime drug suspect, naaresto ng PDEA-12 at PNP sa Koronadal City

73

Manila, Philippines – Arestado ang isang bigtime drug suspect sa isinagawang anti-illegal drug operation ng PDEA-12 at ng PNP sa Koronadal City.

 

Narekober mula sa suspek na si Senen Panelo Jr. ang isang malaking pakete at tatlong small sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng halos P400,000.

 

Nakuhaan din ito ng mga drug paraphernalia, pera gayundin ang mga ibinibenta nitong motorsiklo na ginagamit bilang cover-up sa iligal na negosyo.

 

Ang nasabing operasyon ay kasunod ng isinagawang search operation sa bayan ng Pikit, North Cotabato na nagresulta sa pagkarekober ng shabu na nagkakahalaga ng P1.5 million at pagkahuli ng 11 katao.

Facebook Comments