Asahan na ang bigtime oil price hike sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Director Atty. Rino Abad, mahigit P3 hanggang P4 ang oil price hike na inaasahan sa susunod na linggo.
Aniya, umabot sa $128.11 ang kada bariles ng krudo sa world market nitong Abril 21 kumpara sa $117.45 kada bariles noong Abril 11.
Isa aniya sa mga nakikitang dahilan ay ang paunti-unti nang paglabas ng China sa kanilang lockdown.
Bukod dito, nakaapekto rin ang paghinto ng peace talks sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Facebook Comments