Bigtime oil price hike, sasalubong sa mga motorista ngayong araw  

Handcuffs

Aminado ang Department of Energy (DOE) na lumang stock ng langis ang mga nakaimbak sa mga gasolinahan.

Pero sinabi ni DOE Oil Industry Management Bureau Director, Atty. Rino Abad, ang sistema ng presyuhan ay ibinabangga ang average prices ng nakaraang dalawang Linggo at ang diperensya, ipinatutupad tuwing Martes.

Humihiling naman si Pasang Masda Pres. Obet Martin sa DOE na imbestigahan ang ipinapatupad na taas-singil ng mga kumpanya ng langis.


Tiniyak naman ni Chairman Martin Delgra III ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga pasahero, walang mangyayaring biglaang taas pasahe kahit mayroon nang kautusan para sa automatic fare adjustment.

Kasabay nito, bubungad na sa mga motorista ngayong araw ang mataas na singil sa produktong petrolyo.

Papalo sa 2.35 pesos ang kada Litro ng gasolina, 1.80 pesos sa diesel habang 1.75 sa kerosene.

Ang malakihang oil price hike ay epekto ng pagpapasabog ng oil facility sa Saudi Arabia.

Mula Enero a-uno hanggang ngayong araw, nasa higit 20 beses na ang pagtaas sa produktong petrolyo habang aabot sa 15 beses ang ipinatupad na rollback.

Facebook Comments