Bigtime oil price rollback, aarangkada bukas!

Good news!

May bigtime rollback na naman sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas, December 13.

Piso at sitenta sentimos (P1.70) ang ipatutupad na tapyas-presyo sa kada litro ng gasolina habang tatlong piso at kwarenta sentimos (P3.40) naman sa diesel.


Magpapatupad din ang mga kumpanya ng langis ng apat na piso at kwarenta sentimos (P4.40) na rollback sa kerosene.

Epektibo ang bawas-presyo ng Shell, Seaoil, at Petro Gazz alas sais ng umaga habang alas-8:01 naman ang Cleanfuel.

Ang panibagong oil price adjustment ay bunsod ng patuloy na pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa mababang demand bunsod ng COVID-19 lockdown sa China.

Facebook Comments