“Bigtime oil price rollback”, nakikita ng DOE sa susunod na linggo!

Posibleng magkaroon ng “bigtime oil price rollback” sa susunod na linggo sa bansa.

Ito ay sa kabila ng sunod-sunod na malakihang taas presyo sa produktong petrolyo nitong mga nakaraang mga linggo.

Sa Talk to the Nation ni Pangulong Rodrigo Duterte na inere kaninang umaga, inihayag ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi na may nakikita silang pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo kung saan aabot sa ₱5 ang magiging rollback sa kada litro ng gasolina habang ₱12 naman sa diesel.


Ayon sa DOE, ang “bigtime oil price rollback” ay dahil sa epekto ng COVID-19 surge sa China at ang posibleng peace talks sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Una na kasing nagpahayag ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na hindi na sila interesado na maging miyembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) dahilan para magsabi ang Russia na handa silang upuan ang peace talks kasama ang Amerika.

Facebook Comments