Matapos ang bigtime rollback ngayong araw, malabo nang masundan pa ang bawas presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito ang kinumpirma sa panayam ng RMN Manila ni Department of Energy – Oil Industry Management Bureau Director Atty. Rino Abad matapos na makita na posibleng tumaas na naman ang presyo ng langis.
Ayon kay abad, batay sa kanilang projection, malaki ang posibleng itaas pero hindi naman lalampas ng sampung piso.
Kasabay nito, hindi pa rin masabi ng Energy Department kung kailan magiging stable ang presyuhan ng langis sa world market.
Sinabi ni Abad na bukod kasi sa giyera sa Russia at Ukraine, apektado rin ang suplay ng langis dahil sa pag-iwas ng maraming bansa na bumili sa Russia dahil sa sanction ng Amerika at ang pag-atake ng mga Yemeni rebel sa oil facilities ng Saudi Arabia na isa sa top oil producing country.