Bigtime rollback sa petrolyo, kasado na bukas

Good news!

Kasado na ang bigtime oil price rollback ng mga kumpanya ng langis bukas, November 29.

Magpapatupad ang Pilipinas Shell at Caltex ng P3.95 na bawas-presyo sa kada litro ng diesel; P2.65 sa kerosene at P0.85 sa gasolina.


Ganito rin ang ipatutupad ng price adjustment ng Petro Gazz at Cleanfuel maliban sa kerosene.

Ang panibagong bawas-presyo ay bunsod ng muling pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa China, mas mataas na imbentaryo ng krudo sa Amerika at price cap na ipinataw sa langis ng Russia.

Facebook Comments