Bagamat ipapatupad pa lamang bukas, October 10 ang big time oil price rollback ay inaasahan umano ng mga operators na magtatagal ito upang mabawasan daw ang kanilang mga pasanin.
Simula bukas, may pagbaba sa presyo ng produktong Gasoline na P3.05 sa kada litro, habang bababa rin ng P3 ang kada litro ng produktong Kerosene at P2.45 naman sa kada litro Diesel.
Ani ng ilang mga drivers ng pampasaherong jeep at tricycle sa Dagupan City na mainam daw ito, hindi lamang pambawi sa nagdaang taas presyo gayudin maaari nang madagdagan ang kanilang isang araw na kitaan dahil hindi na raw ito didiretso pansamantala sa kanilang pangkrudo.
Dagdag pa ng mga ito na inaaasahan na magtuloy-tuloy pa ang rollback at matapatan ang pagtagal ng labin-isang linggo ng oil price hike noong nakaraang buwan. |ifmnews
Facebook Comments