May bigtime rollback na naman sa presyo ng LPG simula bukas, July 1.
Maglalaro sa P3.00 hanggang P4.00 ang inaasahang bawas-singil sa kada kilo ng LPG.
Katumbas ito ng P33 hanggang P44 na bawas sa kada 11-Kilogram LPG tank.
Nito lang Hunyo nang nagpatupad din ng bigtime rollback sa LPG kung saan pumalo sa P68 ang naging bawas-presyo kada tangke.
Samantala nakaamba namang tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa mga susunod na araw.
P0.80 hanggang piso ang posibleng imahal sa kada litro ng Diesel habang mahigit piso naman sa gasolina.
Facebook Comments