Bigtime rollback sa presyo ng produktong petrolyo, inaasahan sa susunod na linggo

Inaasahan ang malaking rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ibinahagi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Director III Rodela Romero ang mga sumusunod na tinatayang pagbaba sa presyo ng langis.

Para sa diesel, inaasahan ang P1.20 hanggang P1.50 kada litrong bawas.


Gayundin ang presyo ng kerosene na inaasahang bababa mula P1.20 hanggang P1.50 kada litro.

Habang ang gasolina ay may pagbawas mula P0.70 hanggang P0.90 kada litro.

Dagdag ni Romero, ang aktuwal na adjustment sa presyo ay maaari pang magbago depende sa magiging lagay ng kalakalan ngayong araw ng Biyernes.

Ayon sa kanya, karaniwang nag-aanunsyo ng price adjustments ang mga kompanya ng langis tuwing Lunes na ipinapatupad sa susunod na araw.

Facebook Comments