Bigtime rollback sa presyo ng produktong petrolyo, ipinatupad

59

Nagpatupad ngayong araw ng big-time rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis.

Sa magkakahiwalay na Abiso, nagpatupad ang Caltex, Flying V, Petron, Pilipinas Shell at Seaoil ng ₱2.40 na tapyas sa kada litro ng gasolina.

Nasa ₱2.65 naman ang ibinawas sa presyo ng kada litro ng diesel habang ₱2.70 sa kerosene o gaas.


Magpapatupad din ng rollback sa kaparehong presyo ang kumpanyang Cleanfuel, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, PTT Philippines at Unioil maliban sa kerosene.

Facebook Comments