Goodnews sa mga motorista!
Makakalasap muli ng panibagong big-time price rollback sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito ang kinumpirma ni Department of Energy (DOE) – Oil Industry Management Bureau (OIMB) Director Rino Abad kung saan posibleng bumaba ang presyo ng produktong petrolyo ng P4.00 hanggang P6.00 kada litro.
Sinabi ni Abad na ang naturang rollback ay dahil sa mga lockdown ng China, Shanghai, pagtaas ng interes ng iba’t ibang bansa at iba pa.
Samantala, ayon naman sa isang oil industry ay posibleng nasa P6.30 hanggang P6.50 ang tapyas-presyo sa kada litro ng diesel.
Habang, maaaring bumaba ng P5.70 hanggang P5.90 ang presyo ng kada litro ng gasolina.
Karaniwang ipinapatupad ang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo tuwing araw ng Martes.