BIGYAN NG LINAW | Senate Committee on Health and Demography, balak muling magsagawa ng pagdinig ukol sa Dengvaxia

Manila, Philippines – Balak muli ng Senate Committee on Health and Demography na magkaroon ng bagong padinig ukol sa anti-dengue vaccination program ng Aquino administration.

Ayon kay senador JV Ejercito – mahalaga na mabigyang linaw ng mga eksperto mula sa World Health Organization (WHO) at Department of Health (DOH) ang magiging epekto ng Dengvaxia vaccine sa higit 800,000 bata na nabakunahan nito.

Dagdag pa ni Ejercito – maaring kasuhan ng kasong graft si dating Pangulong Noynoy Aquino dahil bigo niyang gampanan ang command responsibility sa ginawang procurement sa mga bakuna.


Hihintayin ng komite ang initial findings ng WHO na siyang nagsagawa ng mga malalim na pag-aaral sa mga bakuna na binili ng gobyerno mula sa sanofi pasteur.

Facebook Comments