BIGYAN NG PANAHON | ‘Open late, close late’ operating hours, dedesisyunan pa

Manila, Philippines – Hinihintay na lamang ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang desisyon ng mga shopping mall operators kung pananatilihin ang ‘open late, close late’ operating hours kahit ang tapos na ang holiday season.

Ayon kay MMDA Traffic Discipline Office Head Roy Taguinod – umapela kasi ang mga mall operators na bigyan pa sila ng panahon para desisyunan kung pananatilihin ang 11:00 am – 10:00 pm operating hours.

Nangangamba aniya sila dahil posibleng makaapekto sa sales ng kanilang mga commercial establishments ang isang oras na delay sa pagbubukas ng mall.


Ang adjustment ng mall operating hours lalo na sa Edsa ay makatutulong na maibsan ang trapiko lalo at sinisimulan na ang konstruksyon ng mga proyekto sa ilalim ng build build build program.

Facebook Comments