BIGYAN NG PANAHON | Pangulong Duterte, huwag i-pressure na madaliin na tapusin ang war on drugs ng pamahalaan – Speaker Alvarez

Manila, Philippines – Bunsod na rin ng isang taon pang hiling ni Pangulong Duterte na tapusin ang kampanya kontra iligal na droga sa bansa, umapela si House Speaker Pantaleon Alvarez na huwag i-pressure ang Pangulo na isakatuparan ito.

Aniya, kung nabibigo man ang Presidente na tapusin ang problema sa droga sa itinakdang deadline at dahil talagang malala ang problema ng illegal drugs sa Pilipinas.

Ayon kay Alvarez, dapat pang bigyan ng mas mahabang panahon ang Pangulo para resolbahin ang problema sa droga.


Mismong si Speaker ay duda sa bagong deadline dahil sadyang mabigat ang suliranin ng iligal na droga sa bansa.

Mayroon naman anya ang Pangulo na hanggang sa pagtatapos ng termino sa 2022 para isakatuparan ang kampanyang ito.

Facebook Comments