BIGYANG SEGURIDAD | Hiling ni Janet Lim Napoles na paglipat ng kulungan, didinggin ngayong araw

Manila, Philippines – Nakatakdang dinggin ngayong araw ang mosyon ni si
Janet Lim Napoles na humihiling na ilipat sa Department of Justice (DOJ)
ang kaniyang kostudiya.

Ito ay matapos siyang isailalim sa Provisional Witness Protection Program o
WPP ng DOJ.

Sa mosyon ni Napoles, iginiit nitong dapat magampanan ng DOJ ang tungkuling
bigyan siya ng seguridad lalo at nakakatanggap siya ng banta sa buhay
habang nakalulong siya sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.


Binanggit rin sa mosyon na sa ilalim ng republic act 6981, ang mga sakop ng
WPP ay maaring mailagay sa isang secure na housing facility para sa
kaligtasan.

Facebook Comments